Maring (Dangal at Lakas) (Illustrated)
Noong taong 190... ay nanirahan sa nayon ng B., sakop ng Maynila ang mag-asawang Pedro at Julia.
Marálita ang kaniláng pamumuhay palibhasa’y walang ibáng paghahanap kungdi ang mamalakaya sa mga ilog at sa look ng Maynila.
Sila ay may bugtong na anak, uliran ng bait, si Maria na tinagurian ng Maring.
Kung kaaya-aya man ang gandá ng kalooban ni Maring, ay lalo pa namán [8]kaaya-aya ang gandá ng kaniyang anyo, anyo ng bagong bumubukang kampuput, at lalong-lalo pa yaong mukha niyang anaki’y mukhang angel, mukhang pinagkalooban ng langit ng lubhang mapanghalinang dikit na bihirang ipagkaloob sa taong kinapal.
Ang kaniyang mapupungay na mata ay anaki’y salamin ng pag-ibig, anaki’y sibol ng lambing, anaki’y larawan ng bait.
At dahil nga sa gayón, ay pinag-ingatan yatang talagá ng palad, kaya’t pinalamutihan sa dakong noó ng masinsin, nguni’t makitid na kilay na hubog tari, at binakuran ng mayabong at malantik na pilikmatá, akala marahil ng Maykapal ay upang huwag manganib sa puwing man lamang yaong mga matáng kaniyang pinagpalang talaga.
Ang kaniyang mga ngiti ay ngiting langit: naghahandog sa kaharap ng lugod na di mahulilip at walang hanggang tamis ng maamong kalooban, lalo’t talagáng maririkit yaong kaniyang mga maliliit at masinsing ngiping kinaiinggitan ng tunay na garing, at sinalitan ng isang ngiping gintong ipinasadya ng kaniyang amá, upang malubos mandin [9]ang ganda noong napakatamis na bibig.
Kung lugay ang kaniyang mayabong na buhok, ay uma-abot hangang sakong, malinis, maitim at makinang na anaki’y sarampuli ng mga Lakhang-dalaga sa unang panahon.
Si Maring ay kayumangging maligat na namumula-mulá, at ang kaniyang pangangatawán ay katatágan sa taas at sa bilog. Ang kaniyang mga kilos ay mabining pawa, mahinhin at kalugod-lugod sa lahat ng bagay.
May isáng binata, bagong-taong basal na nagngangalang Gonsalo. Ito ay maralita ring gaya nilá Maring, palibhasa’y gaya rin nilang walang ibang paghahanap kungdi pamamalakaya sa mga ilog at dagat.
Si Gonsalo ay may mga tatlong taón ng nananhik ng ligaw kay Maring, nguni’t hindi pinansin nitó ang kaniyang matapat na pagsuyo, at kadalasang isagot sa kaniya ay ang kaniyang nais na makasuyo muna sa kaniyang mga magulang.
Gayon pa man ay hindi tumatamlay ang pag-ibig ni Gonsalo, at sa tuwing sábado, gaya rin ng dati, ay siya’y nananhik ng ligaw.
[10]
Isáng gabi ay nanhik din ng ligaw kay Maring si D. Eduardo Sanchez, bagong-taong may mga dalawang puo’t-limang taóng gulang, makisig at bantog sa bait, sa dunong at sa yaman.
Mga ilang buan pa lamang ang kaniyang panunuyo kay Maring ay sila’y nagkaibigan.
Nahahalata ni Gonsalo ang gayon, kaya siya ay naglubay ng pagdalaw kay Maring. Nguni’t palibhasa’y taimtim ang kaniyang pagsinta, ay along nauuhaw ang kaniyang puso, ngayon hindi nakikita ang hantungan ng kaniyang mga nais.
Isáng sábado si Gonsalo ay muli na namang nanhik ng ligaw kay Maring.
—Maring,—ang kaniyang samong anaki’y hibik.
—May mga tatlong taón nang ikaw ay aking dinadalanginan, saka ngayon...
Hindi naituloy ang kaniyang malumbay na samo, at pagdaka’y biglang namalibis yaong nabubungad na luhang kanina pa gumigilid sa kaniyang mga pilik-mata.
Nai-inis ang kaniyang puso.
[11]
Bagá ma’t siya’y hindi sinisinta ni Maring, ay nahabag din ang kaniyang kalooban sa kaawaawang binata.
—Ipagpaumanhin mo na sana sa akin ang hindi ko paglingap sa iyong pag-ibig,—ang tugon ni Maring.—Akó’y hindi na maaring suminta sa iyo.
—¿Bakit?,—ang tanong ni Gonsalo.
—Sapagka’t ako’y may sinisinta na,—ang pakli ni Maring.
—Oo nga,—ang sagot ni Gonsalo.—Si D. Eduardo Sanchez. Siya’y mayaman at marunong, nguni’t ako’y dukha at mangmang.
—Hindi namán sa gayon,—ang amo ni Maring.—Pantay-pantay sa aking balak ang lahat ng tao. Nguni’t ¿ano kaya ang gagawin, kung talagang hindi isinagi ng palad sa puso ko ang sa iyo’y umibig? Kita’y magmahalan na lamang na parang tunay na mag-kapatid.
—Hindi mangyayari,—ani Gonsalo.
—¿Bakit?,—ang tanong ni Maring.
—Ewan,—ang tugón ni Gonsalo,—nguni’t ikamamatay ko yata ang aking pagkabigo sa iyo.
Maluwat na di nakaimik ang dalawa.
Si Maring ay nakayuko at kaniyang [12]ginuguniguni si Eduardong minumutya ng kaniyang puso; si Gonsalo ay nakayuku rin, at ginuguniguni namán niya ang kaniyang nabigong pagsuyo kay Maring.
1117492275

0.99 In Stock
Maring (Dangal at Lakas) (Illustrated)

Maring (Dangal at Lakas) (Illustrated)

by Aurelio Tolentino
Maring (Dangal at Lakas) (Illustrated)

Maring (Dangal at Lakas) (Illustrated)

by Aurelio Tolentino

eBook

$0.99 

Available on Compatible NOOK devices, the free NOOK App and in My Digital Library.
WANT A NOOK?  Explore Now

Related collections and offers

LEND ME® See Details

Overview

Product Details

BN ID: 2940149103195
Publisher: Lost Leaf Publications
Publication date: 10/10/2013
Sold by: Barnes & Noble
Format: eBook
File size: 615 KB
From the B&N Reads Blog

Customer Reviews